wala lang… siguro masyado lang ako natutuwa sa mga nangyayari sa buhay ko. that is why it is easier for me now to tell other people how i feel through blogging…
marami ng nangyari sa buhay ko sa loob lamang ng 2 buwan. maraming trials and challenges (palagi naman eh…) pero ewan ko ba, nasasanay na yata talaga ako. sometimes nalulungkot talaga ako at umiiyak, minsan pinanghihinaan ako ng loob… but at the end of the day, nagpapasalamat na lang ako dahil marami ako natutunan sa lahat ng nangyayari sa akin maganda man o pangit sa paningin ko.
At yun ang gusto kong i-share sa inyo, kasi malay nyo may matutunan kayo di ba?
1.Other people may put you down, but don’t worry somebody will lift you up and may even lift you higher than before.
2. There will really come a time that problems will pour down to you. Maiisip mo na masyado ka na yatang pinahihirapan, but eventually, ikaw mismo ang magpapasalamat na naranasan mo ang mga yun dahil nagiging matatag ka along the way.
3. Maraming tao ang judgemental at mas nagpapahalaga sa mga materyal na bagay at maging sa pera, kesa sa damdamin ng ibang tao. Hehehe kaya dapat masanay ka na din na pakibagayan ang ganitong katotohanan ng buhay.
4. Minsan kailangan mong tandaan na may mga taong, in some way, makakasakit sa iyo pero mas maraming tao ang magpaparamdam how precious you are to them.
5. Mas nakikilala mo ng lubos ang sarili mo in times of troubles and problems. Marami kang madidiscover na kaya mo palang gawin at kaya mong isipin.
6. Nakikita at nalalaman mo kung sinu-sino ang mga totoong tao at totoong kaibigan na nagmamahal at nagmamalasakit sa iyo.
7. May mga tao at bagay na maaring mawala sa iyo sa isang iglap lamang, pero magmamalay ka na lang mas marami pa yung dumating na kapalit. Hehehe (trust me on this!)
8. It is really okey to cry a river when you are hurt and in pain. Normal ito… Ang pag-iyak ay di nangangahulugan na mahina ka. Nakakatulong lang xa para mailabas mo ang nararamdaman mo. After crying, try to SMILE and MOVE ON with your life, GO ON with the flow.
9. Pahalagahan mo ang mga taong nagpapahalaga sa presence mo at sa damdamin mo. Make them feel that you appreciate them and their presence especially during your lowest moments. Thank them and love them.
10. May mga taong hindi maniniwala sa mga gingawa mo, sa mga sinasabi mo, sa mga kinikilos mo… But what the heck? As long as alam mo ang gingawa, sinasabi, at kinikilos mo, you don’t owe them any explanation. Hanggat may naniniwala at handang magtiwala sa iyo wag kang magpatalo sa mga taong kulang sa salitang “tiwala” at pagpapahalaga sa damdamin ng isang tao at isang kaibigan.